Dekada ‘70

JAMES EMMANUEL RAMIREZ CALUB
23 min readApr 6, 2022

--

James Calub

Ang Dekada ’70 ay nakatutok sa isang pamilya sa panahon ng pamamalakad ni marcos noong 1970 hanggat sa maganap ang People Power Revolution. Ang nobela ay isinulat ni Lualhati Bautista at idinerekta ni Chito S Roño upang ganapin itong isang pelikula.

Ang pamagat ay nagpapaliwanag kagad ang taon na ginagalawan ng storya. Maaari na rin natin maisip na sa pamagat palang ay sasabihin na ang pwedeng daluyan ng storya nang alam naman ng lahat ang makasaysayang halaga na malapit sa taon na nasa pamagat

May Akda: Lualhati Bautista

Si Lualhati Bautista ay pinanganak noong December 2, 1945. Nagaral siya sa public school mula sa kanyang elementarya hanggat sa pag high-school. Kumuha siya ng kursong journalism ngunit itinigil ito dahil gusto niya lang magsulat ng mag sulat ng mga maikling kwento at nobela. Ang kanyang mga nagawang nobela ay nabigyan ng parangal bilang award winning novels at ang mga iyon ay ang GAPO (1980), Dekada ’70 (1983), at ang Bata, Bata, Pa’no ka ginawa? (1984)

Ang tatlong nasasabing nobela ay may kinalaman sa teoryang realismo nang ang mga ito ay may halong kaharasan at tumututok sa pananaw ng isang taong ganap sa panahon ng marcos regime.

Amanda Bartolome

Si Amanda ay ang asawa ni Julian at may limang anak sa kwento. Nagpakita siya sa kwento ng isang Ama na ma-alalahanin sa kanyang mga anak at hindi kayang sumang ayon sa mga gustong mangyari o pagiging ignorante sa ilang eksena ng kanyang asawa.

Habang pumoprogreso ang kwento, sa tulong ng kanyang mga anak, nagiiba ang perspektibo ni Amanda sa mga bagay bagay na napagdesisyunan niya na hindi nalang magtahi-tahimik para sa kinabukasan ng mga anak niya at para na den sa kanyang sarili.

Sinisimbolo ni Amanda ang mga nanay na hindi kaya magbigay ng boses sa kanilang mga asawa at pinipili na lang maging tahimik dahil sa mga desisyon ng asawa.

Julian Bartolome

Si Julian ay ang asawa ni Amanda at may limang anak. Siya ang tatay na pinapabayaan ang mga anak sa kanilang mga gusto ngunit hindi dahil wala siyang pake, dahil alam niyang lumalaki ang kanyang mga anak at kinakailangan mag isip ng kanilang sarili.

Ngunit, hindi ito parehas sa kanyang asawa. Hindi niya ito pinapayagan sa kanyang mga desisyon at lagi niyang pinupuna ang galaw ng kanyang asawa.

Sinisimbolo ni Julian ang mga tatay na may paniniwala na sa unang yugto ng isang pamilya, sa tatay ito a-asa at hindi binibigyan ng malaking tingin ang isang asawa.

Jules Bartolome

Si Jules ay ang anak nina Amanda at Julian. Siya ang anak nila na madaling namulat sa nangyayari sa kanilang bansa at pinili na makiisa sa mga protesta na ipaglaban ang kanilang kalayaan na makikitaan ng kanyang pagmamahal at tapang sa pagmahal ng bansang kaniyang tinutulugan.

Sinisimbolo ni Julis ang mga taong matapang at handang ipaglaban ang kalayaan ng bansang pinaglalaban nila.

Isagani Bartolome

Si isagani ang pangalawang anak nina amanda at julian. Nagkaroon ng anak si Isagani sa maagang edad kay Evelyn na kababata niya. Pinakasalan ni Isagani kagad si Evelyn nang malaman ng ama ni Evelyn ang nangyayari sa kanila.

Sa progreso ng pelikula, pinakita na si Isagani ay pumunta ng amerika upang tuparin ang pangarap niya na maging sundalo sa amerika dahil sa mataas na sahod dito.

Sinisimbolo ni Isagani ang mga taong maagang nagkaanak at ang kapalit nito bilang ang maagang pag aasawa at ang patuloy na pagtupad ng pangarap para sa kinabukasan ng kanyang pamilya.

Em Bartolome

Ang pangatlong anak nina Amanda at Julian, Si Em Bartolome. Siya ay may talento pagdating sa panunulat at naituturing na kakampi ni Jules sa pamilya pagdating sa paglaban ng kanilang karapatan. Ngunit, hindi kagaya ni Jules, si Em ay tumutulong kay Jules sa pamamagitan ng pagsulat at gumawa ng balita at si Jules ay matatagpuan na nasa protesta harap-harapan.

Sinisimbolo ni Em ang mga taong lumalaban parin gamit ang kanilang talento upang maiwasan ang paggamit ng dahas o marahas na paraan.

Jason Bartolome

Si Jason ay ang pang apat na anak nina Amanda at Julian. Hindi siya maagap sa kanyang pag aaral. Naging pabaya siya sa kanyang sarili maging sa kanyang kinabukasan kaya’t nag udyat rin sa posibleng dahilan ng kanyang trahedya.

Sinisimbolo ni Jason ang mga taong pabaya sa kanilang kinabukasan at nabigyan ng mga problema sa kanilang buhay dahil sa kanilang kapabayaan.

Bingo Bartolome

Si Bingo ay ang bunso at panglimang anak nina Amanda at Julian. Siya ay matigas ang ulo, hindi kayang mautusan at ang tipikal na bunso sa isang pamilya dahil sa katigasan.

Nakita sa pelikula na malaki ang papel ni Bingo sa kamatayan ni Jason dahil sa utos nito sakaniya na sabihin sa kanilang nanay ang kanyang pupuntahan at hindi sumunod si bingo at sinabi lang na “Bahala ka sa buhay mo.”

Sinisimbolo ni Bingo ang mga bunso sa pamilya na madalas na mahirap bigyan ng gawain at dapat bigyan ng gabay sa bawat na gagawin nito.

Willy

Si Willy ay ang kaibigan ni Jules. Siya ang kasama ni Jules pagdating sa mga kilusan. Malaki ang naging papel ni Willy para sa pormasyon ng karakter ni Jules dahil sa kaniyang sinapit.

Rinerepresenta ni Willy ang mga taong hindi iiwanan ang paniniwala at patuloy na ipaglalaban ang sariling paniniwala kahit ilang daang paghihirap pa ang dumaan.

Evelyn

Si Evelyn ay ang Asawa ni Isagani. Maaga sila nagka-anak ni Isagani at isa sa importanteng karakter para sa pormasyon ng karakter ni Amanda. Isa siya sa pumapayo kay Amanda para sa mga desisyon niya sa buhay.

Bahay ng mga Bartolome

Sa Bahay ng mga Bartolome nakasentro ang mga kaganapan sa pelikula. Dito pinakita ang mga naganap na away, pagdiriwang, at iba pang eksena. Ang mga taong nakatira dito ay ang pamilya nina Amanda at Julian na nadagdagan ng asawa at anak ni Isagani

Sinisimbolo ng kanilang tahanan ang isang pamilya na may bahay na may paghihirap, kasiyahan, at ang mga ordinaryong nakikita sa bahay ng isang pamilya tulad ng sabay-sabay na kumakain at pagsasalo-salo ng mga anak at kanilang magulang.

Karsel ni Jules

Nang mapasok sa karsel si Jules, pinakita rito ang hirap na pinagdaanan niya kasama ang kanyang mga kapwang aktibista. Pinakita rin ang mga eksenang pinahihirapan si Jules at tuloy-tuloy na pinagsasaktan hanggat sa siya ay magsalita tungkol sa kanilang mga kapwang aktibista.

Sinisimbolo ng tagpuan na ito ang mga sinasabing pinahirapan noong kapanahunan ng sinasabing dating diktador na pangulo ng pilipinas, ang mga sinaktan, inabuso, at pinatay upang sila ay mapatahimik at hindi makalaban sa kapanahunan ng pamamahala ng pangulo.

Nagsimula ang kwento sa pagkita ng bahay ng mga Bartolome sa panahon ng 1969, nagsasaya ang kanilang mga anak nang sawayin ito ng kanilang mga magulang dahil sa mga bastos na salitang lumalabas sa kanilang bibig.

Binago ang kalagayan kagad ng pelikula at dinala ang eksena sa isang inuman nina Julian at ng kanyang mga kaibigan. Maligayang nag uusap sila ng kanyang mga kaibigan ngunit nang sumali si Amanda sa usapan ay nagiba ang atmospera ng lamesa dahil sa maling impormasyon na dinadala ni Amanda tungkol sa tinutukoy niya’ng libro na “He who rides the Tiger” na gawa daw ng isang tao na apelyido ay Hernandez ngunit ito ay kinorekta ng isang kaibigan ni Julian na ito ay gawa ni William Pomeroy.

May tinataglay na kaisipan dito na may kinalaman ito sa teoryang penimismo. Pinapakita ng direktor ang kalamangan ng lalaki sa mga ganitong uri ng talakayan. Pinakita rin ng kaunti na walang gana ang kaibigan ni Julian kausapin ang kanyang asawa. Nakita natin ito dahil nag-aasaran sila sa isa’t isa at nagbibigayan ng opinyon ngunit sa pagdating ni Amanda ay napa-tahimik lang sila sa kaniyang sinasabi at tumaas bigla ang atmospera. Maitataglay ang eksena na ito sa kasalukuyang panahon na maliit lang ang tingin sa babae kasama na roon ang kanilang kaalaman.

Ang susunod na eksena ay ang pagdeklara ni pangulo ng kanyang pangalawang termino sa panahon ng 1970 na pinakikinggan nina Em, Julian, Amanda, at ni Jason.

Habang sila ay kumakain, kinakausap ni Jules ang kanyang nanay tungkol sa isang salita na tawag ay “Condition Reflexes”. Sinasabi niya rito na ang kahulugan nito ay may kinalaman sa awtomatikong galaw ng ating katawan kapag nalalapit ang disgrasya o pangit na epekto. Tinanong naman ni Amanda kung ano ang kinalaman nito sa pagdating ng kanilang bisita sa nalalapit na araw. Umamin na si Jules na ayaw niya ang mga anak ng parating na bisita dahil napapansin niya na sila ay may gusto sa kanila at gustong lumayo sa mga babaeng iyon. Nalaman rin sa usapan na may nalalapit na JS Prom at ayaw nilang sila ang makasayaw sa pagdiriwang. Sumingit si Julian sa usapan at sinasabing nalalapit na ang mga anak niya na mamulat sa tunay na mundo kung saan ang mga babae ay isang dahon na tumutuyo sa sanga sa kakahintay sa pansin nilang mga lalake.

Mapapansin rito ulit ang teoryang peminismo dahil sa perspecto ni Julian na pagtingin sa isang babae na ito ay may kinakailangan na kasamang lalaki sa bawat aspeto nito sa buhay dahil sa kanyang pagtutulad ng babae at ng isang dahon na natutuyo na kailangan ng alaga at ng taga dilig upang mabuhay at hindi malanta o mamatay. Dinagdagan niya pa ng pagsasabi ng “Wala kayong magagawa, yan ang batas.” na pwedeng bigyan natin ng hinuha na sa tingin ng isang Julian. Marami rin ang ganito ang tingin sa babae sa kasalukuyang panahon na nasa kaisipan ng ibang lalake na ang babae ay dapat bigyan ng halaga sa paraan na sila lamang ay makukulong sa alaga ng isang lalake o asawa nila.

“Ang mga anak mo ay magiging isang opisyal nang tao ng mundong ito. Nang mundong ito, kung saan kayong mga babae ay parang mga dahon’g natutuyo sa sanga sa kakahintay sa ngiti’t pansin naming mga lalaki. Hanggang sa maawa kameng isama kayo sa ligaya’t luwalhati ng mundong ibabaw. ‘La kayong magagawa, yan ang batas. IT’S A MAN’S WORLD!”

Natapos ang Kainan at nasundan ito ng panibagong araw na nasa kainan sina Amanda at Julian. Sila ay nag uusap ukol sa pagkuha ni Amanda ng trabaho at sa unang parte ng usapan ay pumayag si Julian pero nang malaman niya na kumonsulta siya sa kaibigan niya na si ted, napaglabas siya ng galit na pwedeng ang dahilan ay selos at mas napalabas ang kanyang galit na ayaw niya magtrabaho si Amanda dahil sa pagsabi niya ng “Kulang ba ang aking kinikita?” at sinundan ng “Hindi ka magt-trabaho hanggat na ako ang lalaki sa ating dalawa. AND THAT’S FINAL!”

Sa muli, nabigyan ulit ang manonood ng kaalaman tungkol sa ugali ni Julian dahil sa mas lalong pagpapakita nito ng kaniyang ugali na nagpapakita ng teoryang penimismo na dapat ang lalaking asawa ang mas higit sa pamilya.

Ang susunod na eksena ay ang JS Prom nina Isagani at Jules. Nakikita na si Isagani ay may bastos na intensyon habang nagaganap ang sayaw. Si Isagani naman ay agad naman sinaway ng kanyang sinasayaw.

Ang aksyon na ginawa ng babae ay binabasura ang teoryang penimismo dahil sa aksyon na kaya niyang lumaban at itigil ang pambabastos na naganap sa kanya.

1971 na ang kasalukuyang panahon sa pelikula. Nakilahok sina Willy at Jules sa isang protesta na pinamumunuan ng isang aktibista na lumalaban sa pagka upo ni Marcos bilang presidente.

Nakikita rin na nakikilahok sina willy at jules sa mga pagtitipon na kung saan may isang nagsasalita tungkol sa kanyang karanasan sa mga pulis na kontrolado ng laganap na presidente ng bansa. Nasama sa eksena si Em na pinapakita na siya ay tumutulong kay Jules na mag sulat tungkol sa mga karanasan ng mga tao sa pamamalakad ng laganap na pangulo. Nakikita rin na si Em ay gumagamit ng makinilya at nakikitang naglilimbag ng mga salitang “Fascist” na may malakas na pagkakawangis sa isang kapangyarihang diktatoryal.

Sa eksenang nabanggit, ito ay may pagkahambing sa tunay na kasaysayan ng bansang pilipinas. May kasaysayan ang pilipinas na ang taong mga sangkot rin ay ang mga pangulo at inaabuso ang kanilang kapangyarihan kahit may mga taong maaaring mamatay.

Pwede iugnay ang teoryang realismo sa ganitong perspektibo. Gaya sa kasalukuyang panahon, marami pa rin ang nagpprotesta at iisa pa rin ang rason, ang pulitika at ang pangulo mismo. Marami ang may ayaw sa paniniwala o sa paraan ng paglaganap ng isang bansa ng isang pangulo. Gaya ng war on drugs na nagaganap sa kasalukuyan na marami ang nag uulat ng kanilang mga karanasan na marami ang namamatay dahil sa hindi sapat na rason at ang sinasabing pumatay ay ang pulis na inaabuso ang kanilang kapangyarihan na humawak ng baril.

Nang makauwi si Willy at si Jules, sila ay sinalubong ng galit ni Julian dahil sa kanilang katigasan ng ulo sa pagdalo ng mga protesta. Makikita rito na may pag aalala si Julian sa kaniyang mga anak at mga kaibigan nito. Ayaw niya lang mamatay at mawala ang kanyang mahal sa buhay. Nalaman natin na ito ang kanyang intensyon sa paglabas ng galit dahil sa kanyang pagsama sa usapan ng isang Student Leader na si Charlie Del Rosario na isang taon nang hindi nahahanap ang kanyang bangkay.

Maaaring mabigyan ng Teoryang Moralistiko ang pag iisip ni Julian dahil sa kanyang pag aalala sa kaniyang mga anak at gusto lamang idisiplina ang mga ito upang hindi ito mawalay sa kaniyang mga kamay. Maraming ganitong uri ng tao sa bawat panahon, lalo na ang ating mga magulang dahil gusto lang nila ang mas nakakabuti para sa atin.

Ang susunod na eksena ay ang muling pagkain ng pamilya na kasama si Willy. Napadaan sa usapan ang pagsabi ni Willy na may “Freedom of Expression” sa kanilang bahay at napunta sa tanong na “Kasi po bakit pagdating sa eskwelahan hindi pwede. Kung discontented kami sa pamamalakad ng eskwelahan, kung discontented kami sa lipunang ito for that matter, eh bakit hindi kami kikibo?” at sinagot ni Julian, “Alam mo iho, sa bahay, mahinahon nag uusap ang mag kapamilya. Sa eskwelahan puro kayo hiyaw, puro kayo gulo. Nagkakabatuhan ba kayo ng feedback sa bahay? Of Course not. Ibig sabihin malaya kayo magsalita hindi mang-gulo.”

Nagbibigay na ng senyas ang karakter na si Isagani na gusto niya maging isang amerikanong sundalo dahil sa taas ng sweldo at marami na binibigay na benepisyo.

“Pag Empleyado ka ng US Government, malaki sweldo mo at maraming pang benefit.”

Tutol dito si Jules ngunit pinapayagan siya ng kanyang tatay sa gusto niya at sinabi kay Jules na “Kung gusto niya mag US Navy, problema niya yon. Hayaan mo siya.”

Si Jules at Willy ay nakilahok sa isang dula sa gitna ng isang protesta na may karakter na isang pangulo ng amerika, pangulo ng pilipinas, Juan Dela Cruz (Sumisimbolo ng ordinaryong pilipino) at iba pang kasapi ng kasalukuyang pangulo ng pilipinas sa panahon na iyon. Sa dula ay pinahihirapan at inaabuso si Juan Dela Cruz ng pangulo ng amerika. Pinakita rin sa dula ang pag sunod-sunuran ng pangulo ng pilipinas sa mga gustong maiganap ng pangulo ng amerika sa bansang pilipinas na may sabi ng, “Very Good Sir! Your wish is my command.”

Mas lalong pinahirapan si Juan Dela Cruz at pinako sa krus. Na may mga salitang naka imprinta na Feudalismo, Kapitalismo at “Realismo” sa krus na ipapakuan ni Juan Dela Cruz

May kaugnayan ito sa teorya ng realismo sapagkat nagkakaroon ng pagkakatulad ang mga tao sa eksena ng kapangyarihan ng amerika sa tulad nating mga pilipino (Juan Dela Cruz) na may gusto ng kalayaan sa gustong gawin at ang presidente ng pilipinas ay sunud-sunuran lamang o alipin ng mas makapangyarihan. Sa kasalukuyan, madaming karanasan ang pilipinas pagdating sa mga taong sumusunod lamang sa mas makapangyarihan, pati na rin sa direktang pagtutulad sa kwento na sunud-sunuran ang pangulo sa mas malakas dahil paniniwala ng karamihan ay ang mga naganap sa dating panahon ng mga pangulo ng pilipinas. Kaya sila kumukuha ng “Alliances” mula sa ibang bansa, dahil sa benepisyo na makukuha ng tao bilang isang presidente at hindi bilang isang bansa na kanyang itinataguyod.

Nabanggit rin ni Willy na siya ay makikilahok na ng lubusan sa kanilang grupo na puno ng aktibista na may panunungkulan na ipatupad ang kalayaan ng kanilang bansa mula sa kasalukuyang gobyerno. Ngunit, si Jules ay may paunting pag-aatubili sa gusto ni Willy at hindi pa niya alam kung siya rin ay makakasama. Sinalubong siya ni WIlly na mga salitang, “Ikaw naman magde-decide niyan eh. Basta ako, ang katwiran ko, yun din naman ang punta natin. Sa armadong pakiki-baka.”

Napansin ni Julian (Sa tulong ng saranggola ni Bingo) ang mga papeles na may kinalaman sa mga nagp-protesta laban sa gobyerno. Sa mausisa na pag iisip ni Julian kung saan napulot ni Bingo ang mga papel na ginamit niya para sa kanyang saranggola, hinalungkat niya ang gamit ni Jules at nakita niyang sakanya galing ang mga papel at napansin na maraming nakaimprinta na papeles ukol sa paksa na iyon.

Nagusap ng mahinhin si Julian at Jules sa parehas na gabi tungkol sa pagka alyado ng pangulo ng amerika at pilipinas. Sinasabi rito ni Julian na walang kinalaman ang kasalukuyang pangulo sa pagka alyado ng pilipinas at amerika, hindi siya ang nagsimula kundi ang mga mas-nauna na presidente “Wala siyang choice kundi kilalanin ang kasunduang ito.” Nagpalitan ng salita si Jules at Julian at nauwi si Julian sa pagsabi ng “Hindi B*b* ang mga tao sa gobyerno. Mga eksperto yang mga yan. Mga political scientist.” at sinagot ni Jules ng “Ganun pala eh, bakit lalong naghihirap ang pilipinas. Bakit lalo tayong nababaon sa utang. Na-rerealize mo ba dad? Wala pa akong asawa. Ngunit, nababaon na ko sa utang.”

1972, nag anunsyo ang pangulo ng ‘Martial Law’ kung saan may mga magaganap na curfew at iba pang paghihigpit ng gobyerno. Ngunit, sa kanilang kaalaman. May dala palang babae ang kanilang anak na si Isagani na nakikipagtalik sa kanya. Agad-agad inuwi nina Julian, Amanda at isagani ang babae sa kaniyang pamilya ngunit sa dismiya ng kanyang pamilya, gusto nilang pakasalan ni Isagani ang babae na ang pangalan ay Evelyn.

Inanunsyo ni Jules sa kaniyang nanay ang sinapit ni Willy sa kamay ng mga pulis at inabuso ng inabuso hanggat sa ito ay hindi na makahinga.

“Hindi na sila naawa sa anak ko”

Ito ay sinabi ng nanay ni Willy sa burol ng kaniyang anak na nagpapakita ng kasakiman ng mga pulis at ng kanilang pagaabuso sa kapangyarihan. Naglaan ito ng Teoryang imahismo sa mga mambabasa at manonood dahil sa pagkasimbolo nito ng mga taong inaabuso at tinanggalan ng karapatan para lang sila ay mapatahimik at hindi maging hadlang sa galaw ng mas makapangyarihan o pamamalakad ng isang pangulo.

Lumabas ang intensyon ni Jules na makisama na sa mga kilusan ng kanilang organisasyon. Ito ay pilit na tinatanggihan ni Amanda sapagkat wala siyang magawa sa gusto ng kaniyang anak.

Nagkaroon na rin ng kaisipan ang anak nila na si isagani na makipaghiwalay sa kanyang asawa dahil siya ay nakokonsensya na sa kaniyang mga ginagawa. Lumapit si Em sa kaniyang nanay na inaamin ang pupuntahan ni Jules. Sinabi niya na sa Bicol ang punta nito at isa lamang “Exposure Trip”.

Kinompronta ni Amanda si Julian sa mga nangyayari sa kanilang mga anak. Sinabi ni Julian ang mga salitang “Malaki na ang mga anak natin, gagawa at gagawa sila ng mga pasya na ‘di natin gusto. Kaya wala tayo magagawa. Pasya nila, buhay nila.” “Hindi ko lagi naiintindihan ang anak natin. Pero alam ko na karapatan niya sundin ang sarili niya. Na mahanap ang sarili niyang katotohanan, mamatay sa sarili niyang paninindigan kung kinakailangan.”

1973 na ang kasalukuyang panahon. Lumabas na ang anak nina Isagani at sinalubong siya ng pamilya niya na masaya at gustong alagaan ang kanilang pamangkin. Nalaman ni Amanda ang sulat na dala ni Jules at kinausap siya tungkol dito kung nasaan na ang letra. “Ang inyong anak ay hindi ninyo anak. Sila ay mga anak na lalaki at babae ng buhay. At bagamat nanggaling sa inyo, sila’y hindi inyo. Maibibigay niyo sa kanila ang inyong mahal, Ngunit hindi ang inyong paniniwala. Mabibigyan niyo ng tahanan ang kanilang katawan, ngunit hindi ang kanilang kaluluwa. Sapagkat ang kanilang kaluluwa ay namumuhay sa templo ng kinabukasan na hindi niyo man madadalaw kahit sa panaginip.”Sulat ng mga kasapi ni Jules sa kaniyang pamilya.

Agad-agad binigay ni Amanda ang kwarto ni Jules kay Jason. Tinanong ni Jason kung nagtatakwil na siya ng anak. Ngunit, sinagot ito ni Amanda na “Hindi ko iyon anak. Dumaan lang sakin.”

Tuluyang umalis si isagani upang ituloy ang pangarap niyang sundalo at lumayo ng pansamantala para pumunta sa amerika. Umalis na rin sa bahay ng mga bartolome si Evelyn. Naghingian ng pasensya si Amanda at Evelyn sa isa’t isa. Ang rason ni Amanda sa paghingi ng pasensya ay kahit minsan hindi niya natutukan ng maigi ang lagay ni Evelyn sa bahay. “Mahirap maging isang ina. Mahirap maging isang babae.” Ito ang mga nabitiw na salita ni Amanda habang tinatanong si Evelyn kung nagsisisi siya sa mga nangyari sa buhay niya lalo na’t ito ay madaling nangyari sa buhay niya gaya ng pagka anak. Sinagot naman siya ni Evelyn,

“Hindi po. Tayo lang ang nagpapahirap sa lagay natin. Pero sa totoo nasa diskarte nalang natin yan.”

Nagpakita ng Teoryang Imahismo ang nasabing eksena dahil sa pagkasabi ni Evelyn na “Tayo lang ang nagpapahirap sa lagay natin” at nagrerepresenta ng mga babaeng kaya pang lumalaban kahit marami na nangyari sa buhay niya sa maagang edad.

Binalita ni Amanda kay Julian ang balak na paglalakbay ni Em sa Bataan Nuclear Power Plant upang mag mag interbyu ng mga taong naninirahan doon. Ayaw ni Julian ang nais ni Em ngunit sinabi ni Amanda na wala silang magagawa dahil kahit anong pilit raw niya ay gusto pa rin pumunta.

Biglaan napadalaw si Jules sa bahay nila kasama ang isang kasapi na sugatan. May bala ito sa kaniyang paa at nangangailangan ng gamot. Bawal sila pumunta sa ospital sapagkat sila ay mahuhuli kaya sa bahay nila ginawa ang operasyon na itanggal ang bala sa paa. Sumapit na ang kaarawan, nasolusyunan na ang sugatan na kasapi ni Jules, nakita na ang pamilya na naguusap sa kanilang bakod. Kinekwento ni Jules ang kaniyang mga karanasan na parang totoong pamilya niya na ang mga naging kasapi niya dahil sa mga loyalidad ng mga ito at hindi pagbukas ng bibig sa mga katulisan. Naibunyag niya rin na sanay na siya sa kamatayan.

Naguusap ang mga kaibigan ni Julian mula sa isang selebrasyon, kagaya sa mga unang eksena ng pelikula na hindi nila sinalubong ng maigi si Amanda. Parehas na parehas ang kanilang usapan, tungkol sa pagka alyado ng pangulo ng pilipinas at ng amerika na kung saan binigyan na ang pilinas ng awtoridad na gamitin ang mga lugar ng militar na isinagawa ng amerika sa pilipinas. Ngunit, itinanggi ito ng isang kaibigan ni Julian sa pagsabi ng “Nasa papel lang yan. Pero sa kanila pa rin ang kontrol. Sa kanila pa nga ang buong mundo.” sinabayan niya rin ng pagsabi ng “Ang partnership ng amerika, is a partnership of one.” na nangangahulugan na may pinapanigan ang mga kontrata o mga kasunduan ng amerika o sa madaling salita, pabor sa bansang amerika.

Gumawa ng sikretong pag kita si Amanda at Jules. Nagusap sila tungkol sa mainit na ang dugo ng tulisan kay Jules at dapat nang sunugin ang mga papeles at dokyumento ni Jules para sila ay hindi masangkot sa mga nais ng tulisan at hindi sila mapahamak. Pumayag si Amanda sa nais ni Jules.

Dumating ang mga sundalong kontrolado ng gobyerno sa bahay ng mga bartolome. Nagkaroon sila ng kalayaan o ‘Search and Arrest Order’ para halungkatin ang bahay nila na may layunin na hanapin si Jules dahil sa kaniyang mataas na ranggo sa kilusang kontra sa pangulo. Naibunyag din ang totoong papel ng dinala na sugatan ni Jules sa bahay nila na siya ang nagsabi sa mga opisyal ng gobyerno na si Jules ay nakadalaw sa bahay ng mga bartolome kamakailan man. Nakaligtas ang mga bartolome sa pagtatanong ng mga sundalo at hindi lalong napahamak.

Nang kinakausap ni Amanda si Em, napahanga si Amanda, sa mga layunin na ginagawa ni Jules na bawat gawin ng anak niya, ito ay dumadaig sa kaniyang kakayahan na mas pagbutihin ang ginagawa. napapaisip si Amanda kung tama ba ang kilos na ginagawa ng kaniyang anak na si Jules at nagpapakita na ng pagbubuo ng karakter si Amanda na dating gusto lang maging ligtas ang kaniyang mga anak ang nasa isipan, at ngayon ay iniisip na ang hayaan ang kaniyang anak sa gusto nitong ipaglaban.

Si Jules ay nahuli at pinahirapan na umaabot sa punto na pinapahirapan na siya. Ngunit, kahit kailan ay hindi niya itinakwil sa dilim ang kaniyang mga kasama at pinanatili ang kanilang kataguan. Tinatanong rin si Jules tungkol sa mga mahal niya sa buhay tulad ng pamilya at kaibigan ngunit hindi siya kumikibo, nagsisinungaling at wala talagang ibinubunyag sa mga tulisan dahil gusto niya rin ang kaligtasan ng mga ito.

“Mamatay ako sa paninindigan ko” sabi ni Jules sa kabila ng paghihirap na ginagawa sakaniya.

Si Jules sa eksenang ito ay isang halimbawa na nagpapakita ng Teoryang Moralistiko. Sa kabila ng mga pang aabuso sa kanya, siya ay naging tahimik nang siya ay mahuli dahil sa kaniyang konsensya na hindi pa tapos ang lahat at dapat hindi idamay ang mga taong lumalaban pa. Nagpapakita rin si Jules ng malinis na intensyon sa hindi pagsagot sa mga tinatanong sa kanya dahil ang iniisip niya rin ay ang mga kaligtasan ng mahalaga sa kanya. Nagrerepresenta si Jules ng mga taong nahuli ng may paninindigan ngunit sa harap ng kamatayan o paghihirap, siya ay patuloy naging martyr at hindi natakot sa kanyang huling sandali.

Pinakilala ang asawa (Mara) at anak ni Jules na walang sinabing pangalan. Humingi siya ng pasensya dahil iniwan niya muna si Jules sa kaninang pangangalaga dahil mainit rin ang dugo ng militar sakaniya.

Oras na ng gabi, umuwi si Jason sa kanilang bahay na sinalubong ng kanilang nanay ng galit. Pinapagalitan siya dahil sa kaniyang oras ng pag uwi at pinarusahan ng buong magdamag sa pasko ay dapat kasama niya ang pamilya niya. Tumanggi si Jason sa nais ni Amanda dahil siya raw ay may pupuntahan na ‘date’. Ngunit, hindi talaga pumayag ang kanilang nanay sa gusto ni Jason.

Dumating na ang pasko, dumalaw ang pamilya sa kulungan ni Jules. Napansin ni Jules na mukhang wala sa gana si Jason kaya kinausap niya ito. Umamin ni Jason na may kailangan siya pumunta at kailangan niya na umalis. Si Jules bilang isang nakabilanggo ay nadismaya sa sinabi ni Jason at sinabi

“Sorry ha. Kayo lang kasi meron ako ngayon eh. Kung magagawa ko nga lng, ihihinto ko ang oras para hindi muna kayo umalis. Ikaw halos hatakin mo yung oras, ako halos pigilan ko. Tumatanda na ata ako.”

Muli, ito ay nagpapahiwatig ng Teoryang Moralistiko. Ito ay nagpapakita ng kaisipan ng karakter at sinusuri ang kanilang pag iisip. Sa lagay ni Jules, siya ay nagnanais na sana makasama pa niya ang pamilya niya siguro dahil sa lungkot sa loob ng karsel na walang kausap at kita sa eksena na siya ay magisa sa kaniyang selda. Pwede ito magrepresenta ng mga taong alanganin sa buhay, at gustong makasama ang kanilang pamilya sa huli nilang mga oras. Walang makakapagsabi saatin kung hanggang kailan tayo mabubuhay, pero sa lagay ng mga taong humaharap na sa kamatayan, hihingin nilang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay upang masabi na nakuha nila ang hiling nila na makuha ang pinagmumulan ng kanilang kasiyahan sa natatangi nilang mga oras.

Napunta sila Amanda at Em sa isang opisina na puno ng mga taong biktima ng militar sa kanilang kasakiman. Tinutulungan sila ng isang madre na labanan ang kaso ni Jules at isa ito sa mga kasong kanilang pinagbubutihan. Hinihingan si Em ng letter of appeal (Paraan ng pag liwanag ng bahagi ng kanilang kwento) upang mapasa sa opisyales ng militar para muling maisaalang-alang ang lagay ni Jules.

Nabalitaan ni Amanda na ang kanilang anak na si Jason ay nakulong. Naka rehistro si Jason sa prisinto na may pagmamay-ari ng marijuana. Ngunit hindi nila nakita ang kanilang anak dahil sabi ng nakausap nila na pulis na ito ay nakalaya na bago pa sila makapunta. Nalaman na lang mula kay Em na si Jason na ay namatay sa kamay ng mga militar.

Habang nagdadalamhati si Amanda sa pagkamatay ni Jason, sinalubong siya ni Bingo na may dalang pag-amin. Inamin ni Bingo na may bilin sakaniya si Jason, na sabihin sa kanilang nanay na siya ay may pupuntahan na ‘date’ nandoon ang mga ate’t kuya o buong pamilya ng kaniyang nililigawan. Ngunit, sa tigas ng ulo o sa pagayaw sumunod ni Bingo, siya lamang ay tumugon “Bahala siya sa buhay mo”. Hindi nakapunta si Jason sa pamilya ng nililigawan niya at iniwan siya ng kaniyang nililigawan. Nasa isip ni Bingo na baka may kinalaman siya sa pagkamatay ni Jason dahil kaniyang ginawa na napunta si Jason sa bisyo.

Pinipilit ni Amanda si Julian na sila ay kumausap kay Enrile, opisyales na mataas ang ranggo sa militar. Hindi pumayag si Julian sa plano ni Amanda at tumugon siya sakaniya ng “Hindi natin tinatanggap ng paganun lang [Pagkamatay ni Jason], pero wag ka umasa. Wag kang umasa na malulutas ang kasong ito dahil hindi inaasahan ang gobyerno na lutasin ang kaso ng mga walang pangalang mamamayan.” dinagdagan pa niya,

“Hindi lang anak mo ang pinatay, libo libo na yan. Tino-torture, sinasalvage, tinatanggalan ng bahay, pinagpup*ta, pinapatay sa iba’t ibang paraan, pinapatay ang mga ama, ang mga ina, anak sa iba’t ibang paraan amanda.”

Batay sa naganap na pagtatalo, nagbigay ng mga punto si Julian na may kinalaman sa teoryang markismo. Nagkakaroon ng diin sa mga punto ni Julian dahil ito ay may kahawig sa dating mga karanasan ng ibang tao. Sila ay nawalan ng kapangyarihan, tino-torture, inaabuso, o sa maikling salita, tinanggalan ng karapatan.

Dumalaw si Amanda, Evelyn at Mara sa libingan ni Jason. Habang kinakausap ni Amanda sina Evelyn naisipan ni Amanda na magrebelde sa sarili niyang nabuo na paniniwala na wala siyang magagawa sa mga pangyayari at patuloy na magpa alipin sa desisyon ng iba. Kinompronta niya si Julian tungkol sa kaniyang kaisipan at gusto na makipaghiwalay kay Julian.

Pumunta si Bingo kay Amanda. Pinaalam ni Bingo na kung pwede ba na hindi muna maghiwalay ang kanilang magulang na may dahilan na nagpapasundo si Jules mula sa kaniyang karsel. Laking tuwa ni Amanda sa balita na ang kaniyang anak ay nakalaya na.

Ang bandang huli na eksena sa pelikula ay ang pagsasalo-salo ng pamilya kasama si Julian, Amanda, Jules, Mara, Isagani, Evelyn, Em, at Bingo. Binalita muli ni Jules na sila ni Mara ay babalik muli sa kilusan. Tinugunan ito ni Julian ng “Lagi ko nga’ng sinasabi. Dapat lang, sundin ng tao ang dikta ng sarili niyang konsensya at paninindigan.” Inintindi na rin ni Julian ang lagay ni Isagani at ni Evelyn na hindi na sila magbabalikan. Nagsi-alisan na ang mga tao sa bahay at ang natira ay si Amanda at si Julian. Nagpasalamat si Julian kay Amanda at nagsabing hindi niya pipigilan si Amanda kung pinipili niya pa rin na makipaghiwalay. Sinabi ni Julian, “Gusto ko lang din malaman mo, hindi madali ang maging lalake. Maraming emosyon ang iniipit na lang dito [puso]. Kase, hindi daw bagay sa isang lalaki ang emosyonal, hindi daw bagay sa lalake ang masalita, lalo’t hindi bagay sa lalaki ang umiiyak. Kaya kung minsan, umiiwas, hindi humaharap, hindi tumitingin, lalo na sa sarili niyang asawa.” “hindi lang ikaw ang nagtatanong ng sarili mong pagkukulang, ako din.” Tinanggap na siya ng lubusan ni Amanda.

dumalo ang pamilya sa dula na dinerekta ni Em at sa pagkanta ng pambansang awit ng pilipinas.

Lumipas ang panahon, 1983, nakikita ang pamilya na pumupunta sa simbahan kung saan ipinapakita ang labi ng isang mahalagang tao sa pilipinas na may pambansang watawat sa taas ng kabaong nito.

Nagtapos ang pelikula sa pagpapakita kay Amanda na nakiisa sa protesta na may kinalaman sa pagkamatay ni Benigno S. Aquino Jr. habang ang mga tao ay sumisigaw ng kalayaan ng tao at ng kanilang bayan.

Ang kasulatan ng nobelang Dekada ’70 ay may maayos na kwento, mga karakter, at puno ng mga teorya. Nagbibigay ito ng kaalaman sa atin sa mga kaganapan noong sinaunang kapanahunan ng storya.

Nagbigay rin ito ng aral na matuto maging isang taong marunong rumamdam, maging matapang, at puno ng paninindigan.

Isa ito sa tatatak sakin na pelikula/nobela dahil sa kadahilanan na nagbigay ito ng kakaibang emosyon sa mga nabuong progreso ng mga karakter sa kabuuan ng storya kagaya ng kanilang mga aksyon na mali na napunta sa kamatayan, kanilang mga aksyon na puno ng panindigan base sa kanilang paniniwala at ang kanilang mga kasabihan na pwedeng gamitin o pagma-aninag sa totoong buhay. Kagaya ng “Tayo lang ang nagpapahirap sa lagay natin” galing kay Evelyn at “Alam ko na karapatan niya sundin ang sarili niya” ni Julian.

Sa panahon ngayon, ang mga aksyon sa pelikula na pang aabuso at pagtatanggal ng karapatan gaya nina Jules, Jason at Willy ay malabong mangyari sa kasalukuyang panahon dahil sa batas ang mga pwedeng tumulong sa atin kung mangyari man. Gaya ng pinakita sa pelikula, may mga tao parin na maaari tumulong satin gaya ng eksena na nasa opisina sina Amanda at Em na puno ng mga kaso ng mga taong inabuso sa lagay ng militar sa panahon na pelikula, sila Amanda at Em ay tinulungan ng madre para makagawa ng isang letter of appeal para sa kaso ni Jules na maigi nilang iniimbestigahan.

Para sa mga katulad ng nasabing madre sa pelikula, meron tayong mga pampublikong mga abugado na pwede tayong bigyan ng mga tulong-legal kung tayo man ay nakaharap sa mahirap na sitwasyon na ang pagkatao natin ay nalalabag. Maaari rin tayo lumapit sa ating mga magulang dahil katulad sa pelikula, inalagaan nila ng mabuti ang kanilang mga anak hangga’t sa paglaki nito. Sila pa rin ay pinapagalitan at pinagsasabihan ngunit kung naisabuhayan na nila ang isang bagay, tsaka lang nila hahayaan ang kanilang anak dahil alam nila na hinahanap lang nila ang kanilang katotohanan at ang kanilang silbi sa buhay.

https://pepealas.wordpress.com/2020/02/15/the-origin-of-juan-de-la-cruz/

https://dekadasitenta.wordpress.com/characters/

https://www.thebalancecareers.com/how-to-write-an-appeal-letter-4155244#:~:text=In%20an%20appeal%20letter%2C%20you,decision%20reconsidered%2C%20and%20hopefully%20overturned.

https://lawyerphilippines.org/philippine-free-legal-advice-groups/

--

--

JAMES EMMANUEL RAMIREZ CALUB
JAMES EMMANUEL RAMIREZ CALUB

Written by JAMES EMMANUEL RAMIREZ CALUB

ohh wah haa hahuhaa HAAhayaaa owowo uuhwo uuhwo RED VELVET mudowahrul dijibweo DIJIBWEO jageunsora neul to irukyeo this is gonna be a crazy night TO-nANANANIGHt

No responses yet